Huwebes, Agosto 4, 2011

Panakip Butas

may mga pagkakataon talaga sa buhay natin di maiiwasan na kung in-love ka..okay lng sayo kahit naging "Panakip Butas"


Ako nga pala si Sam. mabait, madaldal, maganda,matangkad at higit sa lahat friendly. sa school namin halos lahat ng mga students friend ko na. Pero sa lahat ng mga kaibigan ko may isa talaga akong bestfriend si Arthur. Gwapo, matalino, magaling mag-gitara at pinaghahabulan ng mga girls.

Nung elementary pa lang kami pinangako namin sa sarili na hindi kami maiinlove sa isa't isa dahil nga mag best friend kami. pero minsan nararamdaman ko na may gusto na ako sa kanya.

Ang mga girls sa school nagpapatulong sa akin para mapansin ni Arthur. wala naman akong magawa.

Girl: Sam.. tulungan mo naman ako kay Arthur. gusto ko tlaga siya.
Sam: huh? sige..sige..
Girl: salamat Sam
sa isip ko..mga babae nga naman ngayon. sila na yung humahabol sa mga boys..Such a Ewwww.!!
Sam: eh anong gusto mong gawin ko?
Girl: Magkakaroon kasi ng party sa bahay namin sabi nila hindi pumupunta si Arthur sa party kung hindi ka kasama...so gusto ko sumama ka..
Sam: ahh.. Madali lng pala eh,,sure..sure
Girl: salamat Sam.

isa lang yun sa mga paduding ng mga girls sa BFF kong si Arthur.

Arthur: Bes.. tulungan mo ako
Sam: ano yun bes?
Ivan: may gusto kasi ako kay Belle at alam mo ba sa kanya lang ako na torpe ng ganito
Sam: (Ouch!!! ang sakit nun) so ano gusto mong gawin ko?
Arthur: di ba close kayo? sige na Bes..gumawa ka ng paraan para maging close kami.
Sam: hmm...let me think
Arthur: Bes..sige na PLEASE...
Sam: Sige na nga
Arthur: Yes!! salamat as in so much

kahit nasasaktan ako..okay lang..basta para sa Bestfriend ko
...ginawa ko nga ang pangako ko sa bestfriend ko..naging close si Arthur at si Belle pero ito ang pinakamasakit naging sila for almost 5 months.. Grabe ang sakit nun sa tuwing nagtetext si Arthur na nanonod  sila ng sine, kumakain sa mamahaling restaurant, at nag rirides sa WOF.(malaking ouch sa akin yun)

sinabi ko sa sarili ko "Arthur Shone ganyan ka na ba ka manhid para hindi mo ako mapansin!!!" sabay iyak ng todo...
at marami pa ang nangyari sa kanila..
Isang Araw..:)
Arthur:(Crying) Bes!!
Sam: oh anong nangyari sayo?
Arthur: Bes.. break na kami ni Belle
Sam:(yes!!) huh? Bakit??
Arthur: may nakita daw siyang mas gwapo at mas deserving kaysa sa akin..
Sam: okay lang yan..marami pa namang iba jan..
Arthur: Bes may last favor ako sayo
Sam: ano na naman yan?
Arthur: Magkunwari kaya tayo na girlfriend kita..
Sam:(Shock) huh? para ano?
Arthur: para paselosin si Belle at marealize niya na mali ang pag-iwan niya sa akin... para makalimutan ko na rin siya..
Sam: (this is it!! i gagrab ko na yun opportunity) uhhm.. per one week lang ha?..
Arthur: sige
Sam:(ano yun? Tanga!! bakit one week lng sana Forever na lang)

For one week naging kami kunuhay ni Arthur,, ang dami niyang ginawa tulad ng pagbibigay ng flowers kada umaga, pagtugtog ng gitara, paghahawak kamay namin tuwing umuuwi, at pagdadala ng bag ko papunta sa school..yun bang normal na ginagawa ng mag boyfriend..

Sam: Bes..parang ayaw ko na..
Arthur: huh? bakit?
Sam: para kasing panakip butas mo lang ako para makalimutan si Belle
Arthur: Bes..pasensya ka na ha..pati ikaw nadamay
Sam: kaya nga eh..
Arthur: paano kaya kung totohanin na natin ito..ligawan na kaya kita?
Sam: (shock) pero Bes..!!
Arthur: Alam mo bang mahal na kita.
Sam: paano yung pangako natin na hindi dapat tayo maiinlove sa isa't isa..?
Arthur: eh anong magagawa ko mahal na kta..
Sam:...??:(
Arthur: di ba nga may kasabihan" your friend can be your lover"?
sam: noon pa man din kasi mahal na kita,,,di mo lang napapansin


bigla siyang tumugtog ng "Walang Iba" by Ezra Band. at sabay sabi na..


Arthur: you are the best thing. it's ever been mine
Sam: kainis ka naman oh..akala ko kasi hanggang "Pangarap Lang Kita"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento